Pumasok na sa Philippine National Police Academy sa Silang, Cavite ang unico iho ni PNP Chief, Ronald “bato” Dela Rosa na si Rock.
Isa ang nakababatang Dela Rosa sa 350 kadete na pinag-push up, pinatakbo, pinagapang, pinatalon habang sinisigawan at kinalbo na bahagi ng tradisyon sa pagsalubong sa mga bagong recruit ng P.N.P. Academy.
Sa kaniyang Facebook post, pansamantalang nagpaalam si Rock sa kanyang pamilya at mga kaibigan dahil apat na taon anyang hindi muna sila magkakausap dahil bawal ang cellphone at iba pang gadget habang sumasailalim sa training.
Nagtapos sa kursong business administration si Rock pero mas pinili umano niyang sundan ang yapak ng kanyang ama sa P.N.P. dahil nais niyang makatulong sa bansa at dahil na rin sa paghanga nito kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Una nang nagpahayag ng pagkabahala si Bato sa pagpasok ng kanyang anak sa PNPA dahil maaari anyang hindi nito kayanin ang buhay sa loob ng akademya.
By: Drew Nacino / Jonathan Andal