Inakusahan ng Malakanyang ang 2 anak ni Vice President Leni Robredo na umatake sa Pangulong Rodrigo Duterte sa kasagsagan ng bagyong Ulysses noong isang linggo.
Una nang binakban ng Pangulo si Robredo sa anya’y paghahanap sa kanya nang manalasa ang bagyong Ulysses na mahigpit namang itinanggi ng bise Presidente.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque nagkaroon ng palitan ng mensahe ang 2 anak na babae ni Robredo laban sa Pangulo na hindi naman direktang tinukoy sa twitter messages.
Sinabi ni Roque nag-post si Tricia Robredo sa twitter ng mga katagang: tulog pa rin? Alas-8 na, sinagot naman ng kapatid nitong si Aika na: Sabado e, weekend!
Ayon kay Roque hindi nakakatulong ang mga ganitong mensahe bagamat hindi niya alam kung talagang hinahanap ng bise Presidente ang Pangulo subalit may mga taong malalapit dito ang naghahanap sa Pangulo.
Tinukoy din ni Roque ang spokesman ni Robredo na si Atty. Barry Gutierrez na umano’y binatikos ang Pangulong Duterte sa pasya nitong mananatili lamang sa Malakaniyang habang binabayo ng bagyong Uysses ang Luzon.
Sumagot naman si Gutierrez sa pamamagitan ng tweet nyang ang bagyo ang pumatay sa mga Pilipino at nagdulot ng malaking pinsala subalit inuubos ng administrasyon ang oras nito sa pagbibigay kahulugan sa mga tweet ng mga anak ng Vice President.
Nagtanong pa si Gutierrez kung sino ang namumulitika gayong si Robredo ay balik trabaho na samantalang ang Malakanyang ay 3 araw nang hindi tinatantanan ang bise Presidente.