Isa na namang ‘Yllana’ ang gumagawa ng pangalan sa daigdig ng showbiz.
Ito ay si Andre, ang disi-otso (18) anyos na anak nina Aiko Melendez at Jomari Yllana, na nakasama na sa Kapamilya teleserye na “The Greatest Love.”
Ayon kay Andre, bilang anak ng celebrity parents ay itinuturing niyang blessing at hamon ang pagsabak sa showbiz.
Mas bilib naman daw si Andre sa kanyang ina kumpara sa kanyang amang si Jomari, lalo na sa mahuhusay na drama roles ni Aiko.
By Jelbert Perdez
Photo: Screengrab from andreyllana / Instagram