Magda-dalawang buwan na simula nang maisilang ni Kylie Padilla ang kanilang anak ni Aljur Abrenica.
Ngunit sa haba ng panahong ito, sinabi ni Aljur na hindi pa nakikita ng ama ni Kylie na si Robin Padilla ang kanilang anak.
Ayon kay Aljur, hindi naman sila nagkulang na mag reach out kay Robin para lamang masilayan nito ang kanyang apo.
May punto pa nga umano na nagpunta sila mismo sa tahanan ni Robin para maipakita ang baby ngunit hindi sila nilabas nito.
Naiintindihan naman ni Aljur ang kanyang biyenan at sa tamang panahon ay naniniwala itong matatanggap din siya nito.
First outing of Alas! Morning sun at the beach❤️ Happy Sunday everyone!
A post shared by Aljur Abrenica (@ajabrenica) on