Nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) si Anakalusugan Party-list Representative Mike Defensor.
Ayon kay Defensor, kasalukuyan siyang nakasailalim sa isolation para matiyak na hindi makakahawa ng virus.
Paliwanag ni Defensor, dalawang linggo na ang nakararaan nang magpositibo siya sa virus at nakatakda siyang sumailalim muli sa COVID-19 test.
Giit naman ni Defensor na siya’y asymptomatic o walang nararamdamang sintomas ng COVID-19. —ulat mula kay Jill Resontoc