Nagbigay ng mga pamantayan ang grupong Anakbayan kay Presidential spokesperson Salvador Panelo hinggil sa pagtanggap nito sa hamon na magcommute sa oras ng rush hour.
Sa inilabas na pahayag ng Anakbayan, dapat ay magcommute si Panelo sa oras ng rush hour sa umaga, walang body guard at dapat gawin ito ng isang buong linggo.
Ayon kay Anakbayan spokespeson Alex Danday hinahamon din nila sina Pangulong Rodrigo Duterte, Transportation Secretary Arthur Tugade at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) spokesperson Celine Pialago.
Matatandaang nagsimula ang hamon matapos ipahayag ni Panelo na walang nararanasang ‘mass transport crisis’ sa bansa.