Nagsumite na ng kanyang sinumpaang salaysay sa Department of Justice (DOJ) ang estudyanteng aktibista na sinasabing nawawala at lumahok sa New People’s Army (NPA).
Sa kanyang sworn affidavit, sinabi ni Alicia Lucena na hindi sya na brainwash ng Anakbayan kung saan sya miyembro para lumahok sa NPA.
Ang totoo aniya ay tumakas sya sa kanyang mga magulang dahil dalawang beses na syang ikinulong at tinanggalan ng gadgets dahil tutol sila na maging miyembro sya ng Anakbayan.
Ang ina ni Alicia ay nauna nang humarap sa imbestigasyon ng komite ni Senador Ronald Dela Rosa sa senado at nagsampa ng kaso laban kina Bayan Muna chairman Neri Colmenares, Kabataan party-list Representative Sarah Elago at iba pang miyembro ng Kabataan party-list.
Kabilang sa mga kasong isinampa ay trafficking at child abuse.