Handa na si IBF World Super Flyweight Champion Jerwin Ancajas na umakyat sa 118lbs upang hamunin sina WBC World Bantamweight Champion Nonito Donaire Junior at WBO World Bantamweight Champion John Riel Casimero.
Aminado si Ancajas na matagal na umano niyang nais na sumampa ng dibisyon.
Taong 2018 nang idepensa nito ang kanyang korona laban sa kapwa Filipino na si Jonas Sultan at inihayag na handa ng maging challenger sa Bantamweight kung bibigyan ng pagkakataon.
Anya, hinintay lamang niya ang basbas ng kanyang coach na si Joven Jimenez.
Ayon kay Coach Jimenez, handa naman nilang harapin kahit sino sa dalawa kapag binigyan sila ng notice.
Ang mahalaga anya ay nasa kondisyon si Ancajas at habang may pagkakataon ay hindi nila ito palalampasin. —sa panulat ni Drew Nacino