Nananatiling positibo sa red tide toxins ang karagatang sakop ng ilang bayan sa kanlurang bahagi ng Pangasinan.
Batay ito sa halos dalawang linggong pagsusuri ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa baybayin ng Anda at Bolinao sa nabanggit na lalawigan.
Kaugnay nito, inaabisuhan pa rin ng BFAR ang mga residente sa Anda at Bolinao na iwasan muna ang manguha, magbenta o kumain ng mga shellfish sa kanilang lugar.
Binigyang linaw naman ng BFAR na nananatili pa ring ligtas kainin ang mga isda, pusit at alimango mula sa dalawang bayan sa Pangasinan basta’t matitiyak na sariwa ang mga ito at mahuhugasang mabuti.
—–