Kinasuhan ng katiwalian ng Office of the Ombudsman si Anda, Pangasinan Mayor Aldrin Cerdan.
Ito’y may kaugnayan sa umano’y iligal na pag-upa ng construction equipment sa isang pribadong kumpanya noong 2012.
Ayon sa Charge Sheet, ipinarenta ni Cerdan ang backhoe, payloader at dump truck sa Jasa Builders sa halagang P100,000 noong April 23, 2012.
Hindi umano humingi ng authorization si Cerdan sa Sangguniang Bayan para sa pag-upa ng mga nasabing construction equipment na pagmamay-ari ng munisipalidad ng Anda, na paglabag sa Section 22(c) ng Republic Act 7160 o Local Government Code of 1991.
P30,000 ang inirekomendang piyansa ng Ombudsman sa kasong kinakaharap ng alkalde.
By: Meann Tanbio