Bigo ang mga presidential candidates na ilahad sa taongbayan kung paano nila gagawin ang kanilang mga ipinangako sakaling manalo sa eleksyon.
Reaksyon ito ni Professor Prospero de Vera, isang political analyst sa tatlong isinagawang debate para sa presidential candidates.
Pinuna ni de Vera na halos lahat ng presidential candidates ay nangako ng libreng edukasyon, libreng ospital at marami pang iba pero hindi nila naipaliwanag kung paano nila popondohan ang lahat ng ito.
Bahagi ng pahayag ni Professor Prospero de Vera, isang political analyst
Ayon kay de Vera, madaling makalusot ang mga kandidato sa kanilang mga ibinibigay nilang solusyon sa mga problema ng bansa dahil walang nanggigiit na magbigay ng detalye ang mga kandidato.
Bahagi ng pahayag ni Professor Prospero de Vera, isang political analyst
By Len Aguirre | Ratsada Balita
Photo Credit: abs-cbn