Pinahihingi ng paumanhin si Presidential Communications Secretary Martin Andanar ni Akbayan Representative Tom Villarin kaugnay sa pahayag nito tungkol sa mga taga-European Union.
Matatandaang binatikos ni Andanar ang mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte mula sa European Union at sinabing kulang sa ‘iyot’.
Ayon kay Villarin bukod sa paghinghi ng paumanhin dapat din maglinis ng bibig si Andanar kasabay ang paglilinis ng magulong tanggapan nito.
Giit pa ng kongresista isang “highly unbecoming” para sa isang opisyal ng gabinete lalo na’t pinangangasiwaan ang Communications ng Malacañang na bumababa sa ganitong lebel ng kabastusan.
—-