Humingi ng paumanhin si Communications Secretary Martin Andanar sa mga nasaktan sa pagtawag niya ng temperamental brats sa mga kumokontra sa desisyon ng Supreme Court na payagan ang pagpapalibing kay dating panGulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.
Ayon kay Andanar, wala siyang intensyon na manakit ng damdamin o maliitin ang karanasan ng mga biktima ng Martial Law.
Aminado si Andanar na hati ang sambayanang Pilipino pagdating sa isyung kinasasangkutan ng mga Marcos.
Una rito, mismong si Senate President Koko Pimentel ang umalma sa tila patutsada ni Andanar sa mga tutol na mailibing si Marcos sa Libingan ng mga Bayani.
Bahagi ng pahayag ni Communications Secretary Martin Andanar
By Len Aguirre | Balitang Todong Lakas