Tuluyan nang nakarekober si Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar sa COVID-19.
Sa isang pahayag, sinabi ni Andanar na siya’y gumaling na sa virus matapos na sumailalim sa 14-day home quarantine.
Pero ani Andanar, bagamat nakarekober na siya sa virus, sasailalim pa rin siya sa 5-day voluntary quarantine para matiyak ang kaligtasan ng mga nakapaligid sa kanya.
Kasunod nito, nagpasalamat si Andanar sa Panginoon matapos na mapagtagumpayan ang pinagdaanang pagsubok gayundin sa mahal sa buhay na mga nag-alay ng dasal sa agaran niyang paggaling.
Mababatid na noong ika-27 ng Marso, nang magpositibo sa COVID-19 si Andanar.