Hinihikayat ng Malacañang ang publiko na sumama sa mga ikinakasang malawakang kilos protesta bukas.
Ito ay matapos ideklara ng Pangulong Rodrigo Duterte na “National Day of Protest” ang Setyembre 21 kasabay ng paggunita sa deklarasyon ng martial law ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar, sinabi ni Pangulong Duterte na nais niyang bigyang kalayaan ang bawat mamamayan na ipahayag ang kanilang saloobin bilang pagpapatunay na umiiral ang demokrasya sa bansa.
Kaya lahat ng mga gustong magprotesta, you are free to protest, free to go there in the rally, dahil national day of protest ‘yun. Ipakita niyo na we practice freedom of people to assemble, to express your views and opinions in life.