Tumanggi si Presidential Communications Secretary Martin Andanar na humingi ng paumanhin sa mga miyembro ng media.
Kaugnay ito sa alegasyon ni Andanar na may umikot na tig-isang libong (1,000) dolyar sa mga miyembro ng media na nag-cover sa public confession ni retired SPO3 Arthur Lascañas na may kaugnayan sa pagkakasangkot umano ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Davao Death Squad.
Sa panayam ng DWIZ, iginiit ni Andanar na wala siyang dapat ihingi ng paumanhin dahil sa wala naman siyang direktang pinangalanan na may mga taga-media ang tumanggap ng pera.
“Wala naman akong sinabi na tumanggap ang media, ang sinabi ko lang merong ganitong pera based on my intelligence report na diumano’y umiikot pero wala akong report na may tumanggap.” Ani Andanar
Payo ni Andanar sa mga taga-media partikular sa National Union of Journalist of the Philippines o NUJP na basahin o balikan ang kanyang mga naging pahayag sa panayam ng CNN.
“Everyone should read the statement para maintindihan, and I also advise NUJP to read the statement sa interview namin, sa transcript namin ni Pinky Webb, basahin nila.” Dagdag ni Andanar
Samantala, tumanggi naman si Andanar na isiwalat sa kung sinong grupo ang nasa likod ng sinasabi nitong pamimigay ng isanlibong (1,000) dolyar.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Secretary Martin Andanar
—RO | Ratsada Balita (Interview)