Kaagad nalinis at naagapan ang posibleng epekto sa mga pananim na gulay ng andap o frost na bumalot sa isang greenhouse sa Atok, Benguet.
Nakitaan ng maninipis na yelo ang gutter ng nasabing greenhouse na nalinis din naman kaya’t hindi na nakaapekto sa mga pananim na repolyo at letsugas.
Ayon sa vegetable farmers, inaasahan na nila ang pagtama ng andap kasabay ng peak season ng amihan sa unang quarter ng taon.