Libang na libang ngayon si Andi Eigenman sa kanyang buhay sa isla.
Dahil hindi naman aktibo sa showbiz, pinagkakaabalahan ni Andi ang pag su-surf at pagtulong sa paglilinis ng dagat.
Nagustuhan nga ni Andi ang parating nasa dagat kaya nagtatayo na sila ng bahay ngayon sa Baler na kailang magiging tahanan kasama ang kanyang anak na si Ellie at kasintahang si Emilio Arambulo.
Bukas pa rin naman siyang magtrabaho sa showbiz sakaling may offer ngunit ngayon ay island life muna ang kanyang peg.