Kumbinsido ang mga kaibigan at ka-trabaho ng aktres na si Andi Eigenmann na nasasaktan ito sa rebelasyon ng tunay na pagkaka-kilanlan ng ama ng kanyang apatnataong gulang na anak na babae na si Adrianna Gabrielle.
Ayon kay Dimples Romana, co-star ni Andi sa teleseryeng “the greatest love” sa dos, “obvious” naman ang pinagdaraanan ni Andi dahil nanay din siya kagaya nito.
Gayunman, naniniwala anya sila na matapang at matatag na babae si Andi at malalampasan nito ang mga pagsubok.
Inihayag naman ni Sylvia Sanchez na kita at dama niya sa mata ni andi ang kalungkutan nito subalit propesyunal pa rin ang kapwa aktres at hindi nagpapa-apekto sa kontrobersya kaya’t pinayuhan ito na magpakatatag at lumaban.
Magugunitang ibinunyag ng half-sister ni andi na si Max Eigenmann na si Jake Ejercito ang tunay na ama ng kanilang anak na si Ellie at hindi si Albie Casiño base na rin sa D.N.A. Test.
By: Drew Nacino