Dumating na sa bansa si naturalized Filipino basketball player Andray Blatche para mag-train sa Gilas Pilipinas.
Bahagi ito nang paghahanda ng Gilas sa FIBA Asia Championship sa China sa susunod na buwan.
Una nang inihayag ni dating national basketball team Coach Chot Reyes na malaki ang tiyansa ng Pilipinas na makakuha ng gold dahil nasa team si Blatche na nakapaglaro sa FIBA World Cup sa Seville, Spain subalit hindi nakita sa Asian games dahil sa isyu ng eligibility.
Sinabi ni Blatche na excited na siyang makita at magsanay kasama ang mga team mates sa Gilas.
By Judith Larino