Inaasahang magbabalik-Pilipinas na ngayong Abril ang naturalized Filipino player na si Andray Blatche upang makasama sa training ng Gilas.
Kinumpirma ni Gilas Team Manager Butch Antonio na posibleng sa katapusan ng April dumating si Blatche mula China.
Ayon kay Antonio, nagpapahinga pa sa ngayon ang Gilas bigman matapos magkampeon ang kanilang team na Xinjiang Flying Tigers sa Chinese Basketball Association.
Sa ngayon aniya ay puspusan ang training ng national basketball team para sa 2017 SEABA Championship na gaganapin sa Araneta Coliseum, sa Mayo 12 hanggang 18.
Ang seaba ang magsisilbing ticket ng gilas upang makapasok sa FIBA Asia Cup sa Agosto.
By Drew Nacino
Photo: FIBA