Inalis ni naturalized Filipino Andray Blatche ang agam-agam ng mga Pinoy basketball fan na hindi nito maibibigay ang 100 porsyento niyang laro sa laban kontra Iran dahil sa kanyang injury.
Ayon kay Blatche handing-handa siyang sagupain ang 7’ 2” na alas ng Iran na si Hamed Haddadi.
Tiniyak ni Blatche na kanyang pangungunahan ang Gilas at magbibigay ito ng magandang laban kontra Iran.
Kasalukuyang hawak ng Pilipinas ang dalawang panalo at isang talo habang tatlo ang panalo ng Iran at wala pang talo.
By Ralph Obina