Injured na rin si Gilas naturalized player Andray Blatche sa pinakahuling practice ng team kahapon.
Si Blatche ay kaagad tinutukan ni conditioning coach Dexter Aseron, ilang minuto lamang matapos ang practice dahil sa kabiguang maiangat ng player ang kaniyang kaliwang tuhod.
Napansin din ni Gilas Coach Tab Baldwin ang tila mabagal na paglakad ni Blatche bukod pa sa sumasakit na tiyan.
Dahil diyan, ipinull-out na ni Baldwin si Blatche para mapa-check up ang mga dinaramdam nito.
By Judith Larino