Nangako si naturalized player Andray Blatche na maglalaro ito sa Gilas Pilipinas para sa FIBA Olympic qualifying tournament sa susunod na taon.
Ayon kay Samahang Basketball ng Pilipinas Deputy Executive Director Butch Antonio, ito ang binitiwang salita ni dating Brooklyn Nets player na si Blatche bago aniya maghiwa-hiwalay ang Gilas pagkatapos ng FIBA Asia Championship.
Matatandaang isa si Blatche sa mga sinandalan ng national team dahilan upang makuha ng Pilipinas ang medalyang pilak sa FIBA Asia.
Samantala, tiniyak naman ng SBP na kanila nang inaasikaso ang elegibility at availability ni Filipino American Jordan Clarkson upang makapaglaro ito para sa Gilas.
By Ralph Obina