Nakatakdang magsagawa ng concert ngayong gabi (April 26) ang tinaguriang “world’s most beloved tenor” na si Andrea Bocelli, sa Mall of Asia Arena.
Makakasama sa concert ni Bocelli ang Ateneo Chamber Singers at ABS-CBN Philharmonic Orchestra.
Ito na ang ikalawang pagbisita ng kilalang singer sa bansa para mag-perform sa kanyang Pinoy fans, na ang una ay noong 2004.
Aniya, ramdam pa rin niya ang init ng pagtanggap at suporta sa kanya ng mga Pilipino at masaya siyang makabalik sa Pilipinas.
Kilala ang 57-year old Italian singer sa kanyang kantang ‘The Prayer’ na ine-record noong 1999 kung saan naka-duet niya ang singer na si Celine Dion.
Marami na ring naging collaboration si Bocelli sa iba’t ibang music artists kabilang na sina Zucchero, Sarah Brightman, Kenny G, Mary J. Blige, Jennifer Lopez, Nelly Furtado, Veronica Verti at ang pinakabago ay kina Ariana Grande at Nicole Scherzinger.
Sa isang interview, sinabi ni Bocelli na kahit nawalan siya ng paningin sa edad na 12 dahil sa isang football accident ay nanatili sa kanya ang pagmamahal sa musika sa mga nakalipas na taon.