Nahaluan ng ‘Love for the Nature’ ang Siargao trip ng aktres na si Andrea Brillantes, kasama ang kaniyang boyfriend na si Ricci Rivero at iba pa nilang kaibigan.
Ito ay matapos sumali ang grupo sa Beach Clean-Up drive sa Siargao Island.
Ayon kay Andrea, 15 bag ng basura ang kanilang nakolekta.
Tulong ito para mabawasan ang mga basura na nagiging banta sa marine life ng Siargao.
Pinayuhan naman ng aktres ang kaniyang mga fans na gawin din ang ganitong effort sakaling magtungo sa Siargao at iba pang islands sa Pilipinas.