Nagbitiw na sa Commission on Elections o COMELEC si Chairman Andres Bautista, epektibo sa katapusan ng taon.
Sa kanyang liham na binasa niya sa harap ng mga empleyado at opisyal ng komisyon, sinabi niyang mabigat sa kanyang kalooban ang kanyang desisyon subalit kailangan siya ngayon kanyang pamilya lalo na ng kanyang mga anak.
Matapos aniya ang mahabang panahon ng pagninilaynilay, ito na aniya ang tamang panahon ng pagbaba sa puwesto sa gitna na rin ng pagpapaliban ng barangay at SK elections.
Ayon kay Bautista, naniniwala siya na ginawa niya ang lahat ng kanyang makakaya upang mapaglingkuran ng maayos ang sambayanan at magawa niya ang kanyang tungkulin bilang pinuno ng COMELEC.
Nagpasalamat si Bautista sa aniya’y, dasal, suporta at pagmamahal sa kanya ng mga nakasama niya sa COMELEC.
Ang matagumpay aniyang automated elections noong 2016 na kinilala ng mga local at foreign observers ay resulta ng sama-sama nilang sakripisyo at pagpapakita ng team work.
Una rito, ibinunyag ni Congressman Harry Roque na nangako si Bautista na magbibitiw sa puwesto kapalit ng pagbasura ng House Committee on Justice sa impeachment case laban sa kanya na nag-ugat sa alegasyon ng ill-gotten wealth mula mismo sa kanyang asawang si Patricia Bautista.
BASAHIN:
— Andy Bautista (@ChairAndyBau) October 11, 2017