Maagang nalaglag sa Indian Wells tournament si World’s Number One Andy Murray.
Ito ay makaraang idispatsa si Murray ng Canadian qualifier na si Vasek Pospisil sa second round ng naturang torneo.
Matinding opensa ang binitawan ni Pospisil dahilan upang hindi makaporma ang beteranong si Murray kung saan natapos ang kanilang paghaharap sa iskor na 6-4, 7-6.
Ito na ang pinakamalaking panalo sa karera ngayon ng pang-129 na tennis player sa buong mundo ngayon na si Pospisil.
By Ralph Obina
*AP Photo