Naghahanda nang sumabak sa US Open si tennis star Andy Murray.
Gayunman inamin ng dating world number one na nagdadalawang isip pa rin siyang maglaro muli dahil sa nananatiling banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Murray makikilahok muna siya sa Battle of the Brits team tennis event sa london ngayong linggo at nakatutok ito sa hard court event sa new York sa August 31.