Nasungkit ni British tennis star Andy Murray ang ikalawang Wimbledon title nito.
Itoy makaraang payukuin ni Murray sa Wimbledon Finals si Milos Raonic sa iskor na 6-4, 7-6 at 7-6.
Dahil dito, naputol na ang sunud-sunod na pagkatalo ni Murray sa major finals kabilang ang Australian Open at French Open.
Kung ang unang Wimbledon title ay inialay ni Murray sa kanyang bansa, ang ikalawa nitong titulo ay alay naman niya sa kanyang sarili.
By Ralph Obina
Photo Credit: Reuters