Pinatunayan muli ni Andy Murray na wala pa rin siyang kupas sa tennis.
Kasunod na rin ito nang pagpasok ni Murray sa ikatlong round ng Australian Open.
Pinahiya ni Murray si Athanasios Thanasi Kokkinakis ng Australia.
Ang nasabing laban ni Murray ay itinuturing na makasaysayan ng sports analysts matapos umabot sa halos anim na oras ang bakbakan na pinakamahaba sa karera ng British tennis star.
Susunod na makakasagupa ni Murray si no. 24 Seed Roberto Bautista Agut.