Pasok na sa finals ng Paris Masters si Andy Murray ng Britanya makaraang talunin si David Ferrer ng Spain sa set na 6-4 at 6-3.
Naging agresibo ang second seeded tennis player sa nakalipas na limang game ng torneyo upang maselyuhan ang kanyang tagumpay sa isa’t kalahating oras lamang ng laban kay Ferrer.
Makakaharap ni Murray ang world’s number one tennis player na si Novak Djokovic ng Croatia na tumalo sa French Open champion na si Stan Wawrinka ng Switzerland sa semi-finals.
By Drew Nacino