Abanse na sa 3rd round ng Miami Open si tennis world number 2 Andy Murray.
Tinalo ni Murray si Denis Istomin mula Uzbekistan, sa sets na 6-3 at 7-5.
Samantala, nadiskaril naman ang pag-abante ni 5th seed Rafael Nadal dahil sa init ng venue kaya nahilo at kinalauna’y maagang sumuko sa nasabing laro.
Napag-alamang 2 beses tumawag ng doktor si Nadal bago ito tumigil sa laro kontra sa Bosnian player na si Damir Dzumhur, sa sets na 2-6, 6-4, at 3-0.
By: Avee Devierte