Nagbabala sa publiko ang mga ekserto sa maaring makuhang sakit dahil sa physical fatigue o sobrang pagkapagod.
Posible kasing magkaroon ng anemia o mababang bilang ng red blood cells ang katawan ng isang indibidwal.
Bukod pa dito, mataas din ang posibilidad na magkaroon ng matinding pagkirot sa katawan dahil sa mga iniinom na gamot o pain relievers.
Posible ding magkaroon ng cancer, diabetes, infection, sakit sa puso, rayuma o athritis at low thyroid activity ang mga taong kulang sa pahinga.
Ang mga taong walang pahinga at oras sa sarili ay may mataas na tiyansang magka problema sa pagtulog tulad ng paghilik, sleep apnea, electrolyte imbalance o ang pagtaas at pagbaba ng potassium at sodium sa dugo. —sa panulat ni Angelica Doctolero