Nilinaw ni Public Attorney’s Office (PAO) Chief Atty. Percida Acosta na walang kinalaman ang depresyon kung bakit nagawang mang -holdap ng 19 anyos na si Carl Angelo Arnaiz.
Ayon kay Atty. Acosta, nakararanas ng depresyon o matinding pagkalungkot ang binata dahil sa pagkakawalay nito kanyang ina, na isang OFW o Overseas Filipino Worker.
Aniya ito rin ang dahilan kung bakit nahinto sa pag – aaral at hindi na nakapasok sa UP o University of the Philippines pa si Carl.
Dagdag pa ni Acosta, matagal nang ipinatingin sa doktor ng kanyang pamilya si Carl at tuloy-tuloy aniya ang kanyang gamutan.
Ang depression iba sa violence tendency, ang violence kasi iba ‘yun.
Alam ko tuloy-tuloy ang pagpapagamot niya dahil may pera naman ‘yung nanay, kumikita sa abroad, nagpapadala sakanya para makapagpagamot lamang.