Mismong ang 62-anyos na si Dra. Angelina Carreon ang makapagpapatunay na mayroong himala.
Ayon sa kanya, dalawang beses na siyang na-stroke ngunit dahil sa kanyang pananampalataya at sa tulong ng milagrosong imahen ng Sta. Ines sa Bulakan, Bulacan ay mabilis aniya siyang nakatayo at nakalakad.
Dra. Angelina Carreon, deboto ng mahal na poong Sta. Ines de Bulacan
Kuwento ni Nanay Angelina, gamit ang lumang kapa o damit ng mahal na poong Sta. Ines ay kanya itong inihahaplos sa kanyang naparalisang katawan.
May mga kakilala rin siyang gumaling sa iba’t ibang sakit gaya ng kanser dahil sa pamamanata kay Sta. Ines.
“Nagbabago at lumalakas ako. Lakas lang ng loob at saka talagang matinding pagdarasal sa kanya. Kaya nga sabi ng therapist ko eh malakas ka kay Sta. Ines.” Ani Angelina
Lumang kapa ng imahen ni Sta. Ines na ginagamit ni Dra. Angelina magmula nang siya ay mai-stroke.
Maliban sa pagpapagaling, misteryoso rin ang imahen ni Sta. Ines dahil sa hindi ito maaaring hawakan ng mga kalalakihan.
Sa mga pagkakataong may mga lalakeng nagtangkang hawakan ito…. kalamidad sa kanilang lugar ang nagiging kapalit nito.
Ang milagrosang imahen ng Sta. Ines de Bulacan
Ang iba pang kuwento ng himala at pananampalataya, abangan sa aming “Siyasat: Haplos ng Himala” Marso 24 sa ganap na 7:00–8:00 ng umaga.
—-