Nanawagan sa Pangulong Rodrigo Duterte ang isang grupo ng mga magsasaka sa Central Luzon para kanselahin ang umanoy overpriced 1.8-B fertilizer contract sa ilalim ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) aid program
Sinabi ni Joseph Canlas, Chairman ng Alyansa ng Mga Magbubukid sa gitnang Luzon na dapat panagutin ng pangulo ang mga agriculture official na sangkot sa naturang kuwestyonableng kontrata.
Bukod sa pag kansela sa kontrata hinimok din ng amgl si agriculture secretary william dar na kasuhan kapag napatunayan ang umanoy overpricing sa kontrata.
Binigyang diin ni Canlas na nakakalungkot na sa kabila ng limitadong pondo dahil sa COVID-19 marami pa ring tao ang nagnakakaw pa ng pondo.
Sinasabing lumalabas na isang libong piso ang kada bag ng fertilizers gayung nasa 850 pesos lamang umano ang talagang bentahan nito.
Una nang itinanggi ng Department of Agriculture (DA) ang umanoy overpricing sa kontra dahil nasunod ang tamang procurement procedures at sa katunayan ay nakatipid pa ang gobyerno sa pagbili ng nasabing fertilizer.