Hawak ang malaking pag-asa sa buhay , sadyang bunga ng ilang taong pagsusumikap at pagpupursige ang pagtatapos sa kolehiyo.
Sa dami ng mga hamong pinagdaanan , isang malaking kaginhawahan ang makatapos sa kolehiyo at pumasok sa isang bagong journey ng tunay na mundo.
Isang malaking karangalan sa mga estudyante na makapagtapos ng kolehiyo lalo na ang mga ika nga’y kulang sa pinansiyal kaya nga sa pagbubukas ng bagong kabanata ng kanilang buhay , bitbit nila ang lakas ng loob na pumasok sa panibagong chapter na puno ng mga oportunidad, tagumpay at “giving back” o pagbabalik ng kung anuman ang mga blessing na napasakamay nila.
Ito ang mga narasanan nina Alyza Jane Adduan at Leryelle Adiao, kapwa SM Scholars at nakapagtapos na sa kolehiyo at ngayo’y nasa unang pahina na ng bagong chapter ng kanilang mga buhay.
Para sa magandang bukas
Ang kanyang mga magulang , ayon kay SM Scholar Leryelle Adiao ang pinakamalaking inspirasyon niya sa pag-aaral partikular sa pagtatapos ng kolehiyo sa kursong computer science bilang Cum Laude sa Asia Pacific College.
Ayon kay Leryelle, nagtapos ng senior high school with high honors sa Pasay City Science High School ; isinantabi ng kanyang ina ang dalawang dekadang karera nito bilang industrial engineer para masubaybayan silang magkakapatid at piliing mag negosyo na lamang katuwang ang kanyang ama.
Subalit dumating ang pagsubok sa pamilya ni Leryelle nang ma ospital ng 2 buwan ang ama na isang freelance photographer at web developer.
Dahil dito , nagkautang utang ang pamilya Adiao lalo na’t hindi sumapat ang insurance benefits ng kanyang ama para sa gastusin nito sa pagpapagamot at mas matinding pagsubok ang humagupit sa pamilya nang masawi ang ama sa lung cancer nuong 2019.
Kaya naman para masuportahan ang pangangailangan ng pamilya , nag trabaho si Mrs. Adiao bilang pre-school teacher at online seller din ng souvenir items.
Hindi naging madali ang journey ng pamilya kaya nga naghanap kung saan saan ng scholarships grants si Mrs. Adiao dahil determinado itong patapusin sa pag aaral ang kanyang mga anak.
Dito na pumasok ang SM Foundation kung saan nag submit ng lahat ng requirements si Leryelle, dumaan sa application process at sa awa ng dios ay nakapasok sa scholarship program.
Inamin ni Leryelle na pinakamalaking hamon ang kanilang gastusin lalo na’t hindi sila naging handa sa mga kinaharap na emergency situations kaya naman sobrang pasasalamat niya sa pagdating ng SM Scholarship sa kanilang buhay dahil malaking bagay ang ibinibigay na allowance ng SM Foundation para bahagyang maging maalwal ang kanilang buhay.
Sa gitna ng hamon ng COVID-19 pandemic , binigyang diin ni Leryelle na determinado siyang tapusin ang kanyang On-the- Job Training (OJT) online at mag-aral pa ng kaniyang major subjects kasabay ang malaking pasasalamat sa pagmamahal ng ina at kapatid lalo na sa suporta ng SM Foundation.
Bitbit ang mga aral bilang SM Scholar at habang naghihintay sa pagsisimula ng kanyang trabaho sa isang multinational banking and financial services company , si Leryelle ay nagta trabaho ngayon bilang part time content writer at nananatiling pursigido magtagumpay sa iba pang aspeto ng data management para matulungan ang kanyang pamilya.
Piniling mag patuloy
Maliit pa lamang siya ay tila sa pagiging guro na o pagtuturo ang tumbok ng pangarap ng SM Scholar na si Alyza Jane Adduan.
Naging malaking inspirasyon sa kanya , ayon kay Alyza ang kanyang kapatid na isang math teacher bagama’t mas na inspire siya sa kanyang english teacher na Ms. Mara dahil sa pagiging unique nito, kakaibang teaching approach at mga strategy na naging malaking factor para kumuha siya ng kursong education at mag major in english.
Kaya naman , kuwento ni Alyza, kinuha niya ang Humanities and Social Sciences track (HUMSS) sa AMA East Rizal kung saan siya naging consistent honor student, tumanggap ng ibat ibang award at nag iisang estudyante sa kanyang strand na nakapagtapos ng with highest honors na mayruong Grade Point Average (GPA) na 98.
Ramdam na ang paglapit sa kanyang pangarap , si Alyza ay kumuha ng Secondary Education Course major in English sa PUP Main Campus kung saan sa loob ng 4 na taon niyang pag-aaral ay consistent president’s lister siya na may average grade na 1 hanggang 1.3
Gayunman , aminado si Alyza na hindi rin naging madali ang kanyang journey dahil habang nasa 3rd year college siya ay bumulaga ang COVID-19 pandemic kung saan habang nag aadjust siya sa online set-up kasabay ng kanyang pagtutok sa kanyang thesis ,ay nagsisilbi pa siyang editor- in- chief ng student publication ng PUP College of Education na “The Limestone”.
Marami aniyang mga araw na pagod na pagod siya kakagising pa lamang niya at hilo na sa sabay sabay na paggampan sa kanyang responsibilidad subalit dumarating ang panahong naiisip niyang isa siyang simpleng tao at ito ay mas higit niyang nare-realize kapag nagkakaruon siya ng devotion sa Panginoon.
Hindi naman maaaring kalimutan ni Alyza ang SM Foundation na habambuhay aniya niyang pasasalamatan matapos siyang sagipin mula sa mga gastusin dahil sa ibinigay nitong pang matrikula at buwanang allowance bilang isang SM Scholar na naging daan din para makapag focus siya sa academics at co-curricular activities.
Binigyang diin ni Alyza na napakalaking tulong din ng mga oportunidad na ibinigay ng SM Foundation tulad ng christmas break at summer jobs kung saan hindi lamang siya kumita kundi nakatulong pa siya sa gastusin ng pamilya habang pinapanday ang kanyang talento sa customer service.
Si Alyza ay nagtapos bilang Summa Cum Laude kaya naman maraming trabaho ang lumalapit na sa kanya subalit bilang pagtanaw ng malaking utang na loob sa magandang bukas na ibinahagi sa kanya ng SM Foundation , pinili niyang magturo sa kanyang hometown sa Antipolo na naging katuparan na rin ng kanyang pangarap na maging guro at araw araw na ini-enjoy ang ibinigay sa kanyang pagkakataon na turuan ang future generations.
Summa cum laude graduate at SM scholar Alyza Jane Adduan, paglalakbay patungo sa pangarap
Para sa childhood dream, kinuha ni Adduan ang Secondary Education sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) sa pamamagitan ng SM Foundation.
Bilang isang SM Scholar, siya ay sumasali sa mga aktibidad sa co-curricular school kung saan maaari niyang ibalik komunidad ang tulong na natanggap sa pamamagitan ng edukasyon.
Pagkakaisa para sa magandang bukas sa pamamagitan ng edukasyon
Taong 1993 nagsimula ang scholarship program ng SM Foundation na nagbibigay ng pagkakataon sa mga deserving at qualified students na maabot ang kanilang mga pangarap sa pamamagitan ng college education at technical vocational studies.
Sa nakalipas na tatlong dekada , ang SM Foundation Incorporated ay nakapag produce na ng mahigit 8 years scholar graduates.
Ang nasabing scholarship grant ay naka base sa paniniwala ni SM Foundation Founder Henry Sy Sr. na ang edukasyon ay “greatest equalizer” at kung makakatulong siyang makapagpa aral ng kahit isang estudyante na makakapagtapos sa kolehiyo ay malaking tulong na para maalis sa kahirapan ang pamilya nito.