Pabor ang Ang Nars Party-list sa panukalang pawalang bisa na ang Continuing Professional Development (CPD) law.
Ang CPD ay nagsisilbing refreshers course na kailangang kunin ng mga propesyunal bago sila makapagrenew ng kanilang lisensya sa Professional Regulation Commission.
Ayon kay Ang Nars Party-list Representative Leah Paquiz, hanggang ngayon ay walang matinong implementing rules and regulations (IRR) ang CPD law at tila pinagkakakitaan lamang naman ang batas na ito.
Ito’y to stop exploitation kasi masyadong mahal, hindi naman maayos ang mga sweldo, kawawa din ang mga professionals, so, kung ito’y isang batas lang para singilin sila, ‘wag na. Kung hindi maayos ang implementasyon ng batas, at ‘yung ay IRR ay wala nga raw silang pera para ayusin ito, what’s the use?” ani Paquiz. —sa panayam ng Ratsada Balita