Umapela ang grupo ng mga nurse sa papasok na Administrasyong Duterte na tutukan ang problema sa pasahod o ang salary scale sa bansa
Ito’y makaraang i-Veto ni Pangulong Noynoy Aquino ang Comprehensive Nursing Bill na naglalayong itaas ang basic pay sa mga pampubliking nurse
Ayon kay Ang NARS Partylist Rep. Lea Paquiz, panahon na upang itigil ang matagal nang pang-aabuso sa hanay ng mga nurse at iba pang health workers
Binigyang diin ni Paquiz na batay sa nilagdaang Nursing Act of 2002 ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, itinatakda ang 26,000 pesos na base pay sa mga entry level na mga nurse o dapat nasa Salary Grade 15 ang matatanggap nilang suweldo
Taliwas ito sa Executive Order ni Pangulong Aquino na naglalagay lamang sa Salary Grade 11 o 19,000 pesos base pay ang matatanggap na suweldo ng mga nurse
by: Jaymark Dagala