Itinuturing ni Pangulong Rodrigo Duterte na pinakamalaking regalo ang pagsasabatas ng TRAIN o Tax Reform Acceleration and Inclusion.
Tinukoy ng pangulo na higit siyamnapung porsyento ng mga Pilipino ang makikinabang sa naturang batas.
Sa mga nakalipas na panahon ay umaabot sa 300 bilyong piso ang nawawala sa kaban ng bayan dahil sa incentives at exemption na ibinigay ng pamahalaan.
Layon ng TRAIN na gawing simple, patas at episyente ang tax system ng bansa.
Target din ng TRAIN na mag-akyat sa gobyerno ng 90 billion pesos na gugugulin naman sa ambisyosong Build, Build, Build program ng administrasyon.
Sa taong 2020, tinatayang sampung milyong Pilipino ang matutulungang ibangon sa kahirapan dahil sa TRAIN.
Ang TRAIN law na dahilan ng pagsirit ng presyo sa merkado ay package one pa lamang, ngayong taon ay target na maipasa ang tax reform package 1B na susundan pa ng iba pang pakete na aabutin hanggang package 5.
Ngayon, ano nga ba ang nakapaloob sa nasabing batas na ito? Alamin sa aming infographics