Sumabak na si megastar Sharon Cuneta sa seryeng “FPJ’s Ang Probinsyano.”
Sa episode na pinamagatang “Rebelasyon”, nasilip ng mga manonood ang karakter ni Sharon (Aurora) na sinasabing nasa labas ng bansa.
Gayunman, walang binitiwang linya si Ate Shawie nang pumasok ito sa eksena.
Matatandaan na noong nakaraang buwan inanunsiyo ng Kapamilya network na magiging bahagi ang megastar ng “Ang Probinsyano.”