Nagpahayag ng agam-agam ang Ang Probinsyano party-list sa Balik-Probinsya program ng pamahalaan.
Ayon kay party-list Representative Ronnie Ong, walang duda na maganda ang Balik-Probinsya program subalit marami pang problema ang dapat plantsahin bago sana ito ipatupad.
Tinukoy ni Ong ang dami ng trabahong nawala dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ang problema anya ay kung maghihintay na lang ba ng ayuda ang mga nagbalik-probinsya dahil sa kawalan ng trabaho.
Maliban dito, dapat rin anyang i-COVID-19 test muna ang mga pinababalik sa probinsya.
Maganda anya kung mag-antay muna ang pamahalaan na magkaroon ng mass testing program bago ipatupad ng balik-probinsya.