Humingi na ng paumanhin si Ang Probinsyano Rep. Alfred Delos Santos sa isang waiter na tinangka niyang suntukin sa loob ng isang restaurant sa Legazpi City, Albay.
Nabatid na pinuntahan mismo ni Delos Santos sa kanilang bahay ang 20-anyos na si Christian Kent Alejo ilang araw matapos makunan ng CCTV at mag-viral sa social media ang nangyari sa Bigg’s Diner.
Inamin ni Delos Santos na hindi siya dapat nawalan ng kontrol ng kanyang emosyon habang nilinaw niya rin na hindi siya ‘bully’.
Bukod dito, nag-sorry rin sa pamilya ni Alejo ang kongresista, gayundin sa kanyang party-list group.