Aksidenteng nakapadala ng gummie candies na mayroong ingredient ng isang iligal na droga ang isang labing taong gulang na bata at naiapamahagi pa sa kaniyang classmates.
Kung ano ang sunod na nangyari, alamin.
Sa isang tila normal na araw, isang elementary student ang nag-akala na ang gummy candies na kaniyang dinala sa school ay regular na candy lamang.
Ngunit, ito pala ay uri ng gummie candies na mayroong ingredient na tetrahydrocannibanol na natatagpuan sa cannabis.
Sa kasamaang palad, ang mga candy ay nai-share ng bata sa ibang estudyante na edad sampu hanggang dose anyos. Nakaligtas naman ang apat sa mga batang nakakain ng candy ngunit ang isa ay dinala sa ospital.
Ayon naman sa imbestigasyon ng otoridad, ang mga candy ay nakuha ng bata sa kanilang bahay kung saan natagpuan ang mas marami pang droga kabilang ang 1,300 grams na thc gummies at drug paraphernalia.
Samantala, natagpuan naman sa nasabing bahay ang lalaking nagngangalang kerry cole na hindi tukoy ang relasyon sa bata at nahaharap sa patung-patong na kaso.
Ikaw, anong masasabi mo sa nakababahalang insidente na ito?