Natapos ang mga pangarap ng 20 estudyante, 3 guro, at ng ibang kasama habang nasa isang school trip.
Ano nga ba ang nangyari sa isa sanang memorable trip na ito? Tara, alamin natin.
October 1 nang tumulak ang bus na lulan ang 6 na teachers at 39 na elementary at junior high school students mula Uthai Thani province papunta sa probinsya ng Ayutthaya at Nonthaburi.
Habang binabagtas ang isang highway ay nagliyab ang bus at mabilis na kumalat ang apoy kung kaya’t marami ang hindi nakalabas agad.
Ayon sa driver na si Saman Chanput na normal naman ang takbo ng bus ngunit nawalan ng balanse ang kanang gulong sa harapan na naging sanhi para tumama ito sa isang sasakyan at sa barikada na nagresulta ng pagkasunog.
Sinubukan pa raw patayin ni Chanput ang apoy sa pamamagitan ng pagkuha ng fire extinguisher mula sa isang bus pero hindi ito umubra at umalis na lang dahil sa pagkataranta.
Kinagabihan ay sumuko rin si Chanput at kinasuhan ng mga pulis ng reckless driving causing deaths and injuries.
Isang batang babae naman ang napuruhan sa mukha ang sinasagip ngayon ng mga doktor para hindi mawalan ng paningin habang kritikal naman ang kalagayan ng dalawa sa tatlong estudyante na dinala sa ospital.
Ayon naman sa forensic police, 23 katawan ang natagpuan sa bus at ilan sa mga ito ay unidentified kung kaya’t dinala sa Police General Hospital sa Bangkok ang pamilya ng mga biktima para kuhanan ng DNA samples na gagamitin sa imbestigasyon.
Gayunpaman, sinabi ng bus company owner na si Songwit Chinnaboot na pasado sa inspeksyon at safety standards ang bus at tutulungan ang pamilya ng mga biktima.
Ipinangako na ang gobyerno ang bahala sa hospitalization ng mga ito at tutulungan ang kanilang mga pamilya.
Ikaw, anong masasabi mo sa kalunus-lunos na pangyayari na ito?