Hindi dapat maging sunud-sunuran sa Malacañang ang kongreso.
Ito ang reaksyon ni Sen. Sonny Angara sa plano ni Senate Committee on Local Government Chairman Bongbong Marcos na maghain ng substitute bill sa Bangsamoro Basic Law dahil sa dami ng depekto nito.
Ayon kay Angara, tungkulin ng kongreso na busisiin nang husto ang naturang panukalang batas.
Umaasa rin si Angara na isang mahusay o improved version ng BBL ang aaprubahan sa senado.
Samantala, iginiit naman ni Marcos na dapat pakinggan ng Malacañang ang mga major stakeholder at legal expert na nagsasabi kung ano ang mga depekto ng BBL.
By Cely Ortega-Bueno / Drew Nacino