Inihalal bilang bagong Pangulo ng Laban ng Demokratikong Pilipino si Senador Sonny Angara.
Ang naturang partido ay binuo ng kanyang ama, ang yumaong Senate President Edgardo Angara noong 1988.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Angara na isang malaking karangalan para sa kanya na ituloy ang mga adhikain ng kanyang ama para sa bansa.
Kung naalala niyo po ang aking father ang dating president at right now ako ang highest official kaya ninominate po tayo at nagpapasalamat tayo sa ating mga kasamahan sa kanilang tiwala at hopefully we can do as good as the job of my father. Ang LDP has a tradition for fighting for Filpino people. Ang laban ngayon ay laban sa kahirapan, murang pagkain, edukasyon, kalusugan, itutuloy po natin ‘yan.
Dagdag pa ni Angara, layunin din ng partido na mas palakasin pa ang interes ng publiko sa mga political parties lalo na sa mga kabataan.
I think kailangan may konting improvement, gagawa kami ng youth development program dahil parang ang mga kabataan ngayon di interesado sa political parties kailangan mag-reach out tayo ano ang kanilang inspirasyon.