Nagpaalala si Senador Sonny Angara sa Grab at iba pang mga bagong papasok na Transport Network Company na sumunod sa batas kaugnay sa pagbibigay ng diskwento sa mga estudyante, senior citizen at Persons With Disabilities o PWDs.
Ayon kay Angara, isang mandatory discount ito na ipinatutupad sa lahat ng Public Utility Vehicle kaya dapat lamang na sila ay magpasakop dito.
Ipinabatid ng senador na may kaukulang parusa ang sino mang hindi magbibigay ng diskwento sa mga nabanggit na uri ng pasahero.
Batay sa Republic Act 9442 o Magna Carta for PWDs at Republic Act 9994 o Expanded Senior Citizens Ac,t may 20 porsyentong diskwento ang mga senior citizen at PWDs.
Habang iniutos naman ang diskwento sa pamasahe ng mga estudyante sa ilalim ng Memorandum Circular 2011–004 ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board.