Pinamamadali ni Senador Sonny Angara sa pamunuan ng Education Department ang pagbili at pagbibigay ng internet load sa mga public school teachers sa bansa.
Ayon kay Senador Angara, ito’y dapat matagal nang ginawa ng ahensya dahil nakapaloob ito sa Bayanihan 2 na matagal nang nakapasa sa kongreso maging ang 2021 General Appropriations Act.
Dagdag pa ni angara na sa ilalim ng Bayanihan 2, kabuuang P4 bilyong ang inilaan sa ahensya para alalayan ang umiiral na blended learning system sa bansa.
Maaari na aniyang mahugot dito ang pambili sa internet load ng mga public school teachers.
Sa kabila nito, napuna ng senador na hanggang nitong may 7 ay nasa 1.28% pa lamang ng budget ang naipalabas o katumbas ng P32 milyong.